Top Button

Disclaimer

Ang VFS Servies Philippines Private Inc (na tinutukoy rito bilang “VFS Global”), ay isang serbisyong ibinibigay sa Immigration, Refugees at Citizenship Canada. Outsourced partner ng Embahada ng Canada ang VFS Global.

Tungkulin ng VFS Global ang pag-iskedyul ng mga appointment; pagtanggap ng mga aplikasyon, visa, at logistic fees; pagpasa ng mga aplikasyon sa Embahada, at pagbabalik ng passport sa (mga) aplikante.

Tandaan na ang Embahada lamang ang may tanging diskresyon sa pagbibigay o hindi ng Canada visa; kaya hindi kabahagi sa proseso at walang anumang pananagutan at responsibilidad ang VFS Global sa anumang pagkaatraso, o sa pag-apruba o hindi sa aplikasyon ng sinumang aplikante. Embahada ang may reserbadong karapatan sa paghingi ng karagdagang dokumentasyon at sa hindi pag-apruba ng aplikasyon.

Ginagawa ng VFS Global ang bawat makatwirang pag-iingat habang hawak ang mga dokumento ng (mga) aplikante, at hindi ito mananagot sa kanila sa anumang paraan para sa alinmang dokumentong aksidenteng nawala sa pagbibiyahe, pagnanakaw, natural na kalamidad (Act of God) o anupamang kadahilanang labas sa kontrol ng VFS, o hindi bunga ng sinadyang pagpapabaya; gayundin kung direktang iniabot ang mga dokumento sa (mga) aplikante.

Mga Serbisyo sa Pagpapadala

Sumasang-ayon at tinatanggap ng (mga) aplikante na ang kukuhang koreo (courier acceptance) at tagapaghatid (delivery service) na nagbabalik ng mga dokumento sa (mga) aplikante para sa VFS Global, ay mula sa isang third-party vendor. Ang VFS Global ay walang kinokontrol o pinatatakbong anumang kompanyang tagapagpadala (courier company) at alinmang pasilidad o serbisyo nito. Itinatanggi ng VFS Global ang alinman at ang lahat ng pananagutan para sa anumang pagkawala o pagkasirang dulot sa (mga) aplikante kung may pangyayaring ang kanyang mga dokumento ay naatraso / nawaglit / nawala / nasira ng courier company, kahit pa ang pagkaantala / pagkawaglit / pagkawala / pagkasira ay resulta ng kapabayaan, aksidente, o anupamang dahilan. Walang anumang pagkakataong mananagot ang VFS Global at/o ang mga kinatawan nito para sa anumang direkta, hindi direkta, mapaminsala, hindi sinasadya, espesyal, inaasahan, o anumang pagkasirang dulot ng naturang pagkaantala / pagkawaglit / pagkawala / pagkasira ng mga dokumento, kabilang na ang passport ng aplikante. Nang walang epekto sa karapatan ng nabanggit, ang tangi at eksklusibong pananagutan ng VFS Global at/o ng mga kinatawan nito sa kaso ng passport na nawala o nasira habang ipinapadala, ay limitado o hanggang sa pagsasauli lamang ng gastos (reimbursement) sa halagang ipinataw ng Embahada sa pagpapalit ng nawala / nasirang passport, sa pamamagitan ng normal na proseso ng aplikasyon at pagtulong sa aplikante sa pagpapalit ng mga nawalang visa. Magbibigay lamang ang VFS Global ng reimbursement ng halagang ito kung ipakikita ng (mga) aplikante ang resibo ng bayad na galing sa Embahada. Sumasang-ayon ang (mga) aplikante na ang nabanggit na limitasyon ng pananagutan ay ang napagkasunduang alokasyon ng panganib sa pagitan ng mga partido, at ang limitasyon ng pananagutang ito ang esensyal at magiging mahalagang bahagi ng disclaimer na ito.

Walang magiging anumang responsibilidad at/o anumang porma ng pananagutan ang VFS Global o sinuman sa kanilang mga opisyal, direktor, empleyado, ahente, atpb. para sa anumang dahilan ng pagkaatraso, o para sa pagkawala o pagkasira ng anumang visa application, passport, o iba pang dokumento dulot ng, o nangyari habang nasa aplikasyon; o kung ang passport o dokumento ay nasa pag-iingat ng anumang third party postal o courier service, kabilang na ang nasa proseso ng pagbibiyahe ng mga visa application, passport, o anumang dokumento sa pagitan ng VFS Global at ng Embahada, at habang ibinabalik ang mga ito ng VFS Global sa (mga) visa applicant.

Kabayaran sa Serbisyo

Gagamit ng mga dokumentong gagarantiya sa pagbabayad (negotiable instruments) kung saan naaakma. Ang kabayarang natanggap na ng VFS Global mula sa (mga) aplikante ay hindi na maisasauli pa anuman ang mangyari, naaprubahan man o hindi ng Embahada ang visa.

Pag-aanunsyo

Maaaring may kasamang advertising materials ang mahahalagang dokumentong ibabalik sa (mga) aplikante. Kung ayaw ng (mga) itong makatanggap ng anumang advertising material, kailangan nilang sabihin agad sa VFS Global sa panahon pa lang ng pagpapasa nila ng mga dokumento.

Sa sarili nitong diskresyon, maaaring baguhin, palitan, kanselahin, o bawiin ng VFS Global ang anuman o lahat ng mga patakaran at kondisyong nabanggit dito, sa anumang oras at nang walang abiso. Walang sinumang empleyado ng VFS Global ang may anumang kapangyarihang magbago / magpalit / magdagdag o magbawi ng anuman o lahat ng mga patakaran at kondisyong nabaggit dito nang walang pangunang dokumento ng pagpayag ng VFS Global.

Ang mga patakaran at kondisyong ito ay pamamahalaan at bibigyang kahulugan alinsunod sa mga batas ng Pilipinas, at anumang reklamo o kasong lilitaw kaugnay ng mga serbisyong ibinibigay ng VFS Global sa aplikante ay saklaw ng eksklusibong hurisdiksyon ng mga hukuman sa Pilipinas.

Tinatanggap at kinukumpirma ng aplikante na siya at ang kanyang kinatawan, bago ang pagpapasa ng aplikasyon sa visa, ay nabasa, naunawaan at sumasang-ayong sumailalim nang walang limitasyon o restriksyon sa lahat ng mga patakaran, kondisyon, at detalyeng nakasaad dito.

Opisina ng Korporasyon:

VFS Services Philippines Private Inc.

Mezzanine Floor Ecoplaza Bldg.

Chino Roces Avenue Ext. Makati City